I'm so in love!



get your own
glitter siggies from Dollielove.com! get your own
glitter siggies from DollieLove.com! get your own
glitter siggies from DollieLove.com! get your own
glitter siggies from DollieLove.com! get your own
glitter siggies from DollieLove.com! get your own
glitter siggies from Dollielove.com! get your own
glitter siggies from DollieLove.com! get your own
glitter siggies from DollieLove.com! get your own
glitter siggies from DollieLove.com! get your own
glitter siggies from DollieLove.com! get your own
glitter siggies from Dollielove.com! get your own
glitter siggies from DollieLove.com! get your own
glitter siggies from DollieLove.com! get your own
glitter siggies from DollieLove.com!

Video code provided by Music Video Codes


Welcome

To

KIKAY

GIRLS

RULE

!!!




June 21, 2005
What's New?! Wala!
Lilipat na sa PSC!

Skin Converter

I hate it!

Akala mo lang meron pero WALA! WALA! WALA!

Bago pa man ako pumasok tonight for workikay ay buraot mode na ako. Absentee votee akembang kahapon dahil sa sakit-sakitan portion ever! Pain to the max ang aking head so call-in sick ang sexbelle. Pagkagising ko naman kanina, witchelles na akey bumorlogs so in other words eh 30 minutes lang akong may sleep bago ako pumunta ng office. Kape here, kape there, kape everywhere kame ni Jowsh sa Shuttles Vest sa may paseo. Bet ko pa sana magpa-late ever para lang makipagchikahan kaso ang pisanteng illah mae saison, kinarir ang pagborlogs kaya late nagising at hindi na makapunta sa makati! Excuses! Excuses! Excuses!!! Pag-arrive ko kanina sa paseo center, sightsiva ko agad si eric na may katalakathon na menchus na umaalingasaw ang lansa dahil felt paper kong dyudinggerzieng pamhinta itey! Pero kebs lang, deadma kay Eric na maxi-peel ko ay pahada sa mga shofatembang ko sa kavekvekan! Lakad ever akey papuntang doorlaloo ng seattles best nang masightsiva ko ang isang menchus sa kanan na nakablack jacket na may kausap na bilat pero nakasight din saken... ang gwapo nung menchus! parang bagong ligo at ang sarap halikan... then naisip ko, wait muna!!!! sing ako ng "pasulyap sulyap ka't kunwari, patingin tingin sa akin..." noseline ko ang menchus na itey! Si Jun pala ito! Ang hot nya tonight ha! Sayang di sya kumuha ng order ko.

Eniweyz, after our daily dose of caffeine, gora na anashei sa PSC. Cab ever ang drama ko. Pisanteng driver yan hindi ako binaba sa mismong office! Kailangan pa akong maglakad ng medyo malayo. Effort ito ha! Kinakabahan ako... para akong grade 1 student na first time papasok sa school at wala ako alam sa lugar and I'm feeling lost. Pagpasok ko sa buildingbums, hinanap ko agad kung san ba ang mga elevator. Looking through the eyes of love, nasight ko na. Kaso mali ang pinasukan kong door! Yun lang kasi ang open. So kala ko dun akey iisquierda. Nilapitan ako ng manong guard, and ask sya, "Bakla, san ang gora mey?" Dun ko narealize na mali ang pinasukan ko dahil may nakita akong agent na pumasok at gumamit ng access card papunta dun sa nakasarang pinto. Ispluk lang akey, "Ay! Wrongness akembang, doonchie pala! Sowee bakla!" Follow the leader akesh sa e-rep, hindot este pindot sya ng 5th floor. Then paglabas ng pinto, go sa reception area. Ay happy, witchelles akey late, 8:58 pm sa DTR. Keri pa! Check si manong guard ng bagelya ko. Then shonong nya akey, "Vecky, anek laman ng majitim na pouch dyan sa bag mey?" Aligaga akembang dahil hindi ko alam tinutukoy nya, say ko na lang "Headset ever!" then napansin ko iba ang pinopoint-point nya. "ah itey ba, toothbrush, toothpaste at lotion? want some?" hahaha! iniwan ko ang guard na nakatayo lang don. Then I found myself in a dillemma. Dalawang door, one on the right, one on the left! Hmmm... san kaya akey mag-e-enter the dragon? Kebs! Ditey na lang sa right! So gamit ng bagong access card... pagpasok ko... wowowee! Am I in uniwide warehouse club? bwahaha! Ang lawak ha! But wait, saan ang mga agents? Suspended ba ang workikay namin? Nagdeclare na ba ng martial law?! Where is everyone?!!!! Gusto ko na sana mag-faint... i said in a small voice... help... help... san na kayo? Naisipan ko mag-roam around the world of the 5th floor. Yey may nasight akong gurlaloo na familiar ang fez, QA itey. Witchelles ko nga lang noseline ang namesung. Lapit akembang, shornong akey, "O where, o where can they be? San ba akey dapat jumupostrax na station?" infurnez, helpful naman ang bilat at sinabing, "Doonchie, follow the yellow brick road, turn left, then turn left again and voila! masasight mo na ang mga utaw!" Para akong si alice in wonderland na nagwowonder kung tama ba ang carpet na aking nilalakaran. Then lo and behold ay nasightsiva ko na ang nsi! haggard! hindi ko alam kung san ba dapat akesh jujupostrax! So hanap pa akey ng pisanteng seatplan na yan na nakatago sa gilid ng malaking wall! Eventually after extensive searching kung san ang station ko, nakita ko rin ever!

So ano na ang eksena sa station?! Poot! yan ang scene of the century! Unang una, ang baba ng station! Pati ang lalagyan ng mouse at keyboard low na kakabugin ang lowest prices ng SM pag may sale! Naisip ko lang, siguro bata ang ginawa nilang model sa height ng mga station! Hmmm... baka magkaron ng bring your children to work day at sila ang pagko-calls! Laftir! So ang ginawa ko, tanggalin ang mouse at keyboard sa lalagyan at ipatong sa station. So aion, open na ako ng tools. Infurnez mabilis magload ang internet explorer and in 2 mins. nakasetup na ako. Open ng outlook! Isa pang pisante! Pag malaki ang file ten thousand years bago bumukas! 3 times ko ata clinose yung outlook! 6 minutes akong late pati sa CMS na nakadagdag lalo ng wrath na nararamdaman ko. After all the haggardness, sight ako sa paligid kung keri bang magsurf. Una kong binuksan ang yahoo... ayan, gumagana, but no! nung binalak kong icheck ang mail ko, surf control ito! Lumen!!! Kukulahin kita!!! Surf ng surf control to the max! Isa pa yang gmail, hindi rin maopen! Nagdidilim na naman ang paningin ko! Pumikit lang pala ako! Hahaha! But then nung pagopen sesame street ko ng eyes ko, nawala bigla ang mga tao! Yun pala nakatingin lang ako sa area ng cendant na wala pang nakaupo! Ahihihi! I'm like so funny talaga! Kainez! After an hour of avail time, bigla akong nawindang! Ano ito?! May call?! Hindi tama yan! Dapat 4 hours akong avail bago ako magkacall! Wala sa kontratang pinirmahan ko yan! Charot! Penoy! Charot! Kebs! Brinaso ko ang call. Then in a sudden gush of wetness... naramdaman key ang tawag ng tadhana. Kailangang jumihi ng junjun ko! Search here, search there, search everywhere! Wait lang! Asan ba ang pukinamshet na CR na yan! Huhuhu! Pinasukan na ako ng apat pang calls di ko pa rin mahanap! Isa pang hindi ko makita ay ang suba area! Ayooookoooo na ditoooo!!! Hindi ito fit na working environment for me! Akala lang nila merong maganda sa office pero wala! wala! waaaaallllllaaaaaaaaaaa!!!!! Ang hirap hanapin ng mga necessities in my call center life! I need to take drastic action! Shornong akembang ng sup na sumusuba at buti na lang tinuro nya kung saan. Ayan! Keri na! Asklaloo akez sa isang soupee snacks "Marshe, keri bang magbruklaloo?" talak naman nya, "Go! Go lang ng go!" "Ay happy! Tenchu marshe!". Go na akembang sa suba-subaan arena. Harsh! Cold hearted snake ditey! Kebs, bet na ng lungs ko ng nikotinabelles. Infurnez dumalawa pa akembang ng suba before going back to my station and meron pa anashei 6 minutes to spare! Back to workikay na... lonely is the night ang drama ko. Pisante ang shelley absentee votee din ang dramathon sa hapon! Si ulla mae at firstbelle naman rest day. Ay kawawa naman akey! Kelangan maghanap ng friendiva to join me for lunch. Email here, email there, email everywhere ng kung sinu-sinong bilatsinang maisipan kez. Reply ang lizzie maguire, gogora daw sya ditey! Yehey!

Lunchtym! Down the river kwai na akembang sa ground floor to meet with Liz. "Where kaya ang bilatsina?!" Haggard lost in space ang lola! After ten thousand years of waiting in vain sa labas ng buildingbums ay finally nilabasan este lumabas na ang girlaloo. Lapz kung sa lapz kame sa burger machinery. Witchelles naman kasi ibang bukas na establishments kaya kebs na lang kung wiz poise ang paglapz don basta magkaron ng laman ang tiyan-tiyanan namen. Talak-talakan portion habang wait ng another ten quiawsand years para maluto ang burgerloo na ang pattie ay mas manipis pa ata sa oslo paper! Laftir! Haay fast and the furious talaga ang lunch pero kapag workikay time ay shogal ever!

Talo ko pa ang higad dahil kating-kati na akey magendshift. At pagstrike ever ng 5:01 sa avayabelles ay endshit endshitan na itey! Ang ulla mae sa wakas ay arrive to the max din at tour de france ko sya sa bago naming workikay area. Tapos gora na kamey sa mini staff at miss na miss na namen ang kadugyutan ng tambayan namin! Eto namang sila jowsh at shyn shyn, nainggit sa pag tour ko kay ulla mae at binet din nilang mag tour de france the 10 laps sa 3rd floor! Sa tagal ng pagtambay nina jowsh sa 3rd floor ng PSC ay nakashopos na kame lumapz sa mini at gumora na kame para sa kape kapehan portion sa shuttles vest! Then dumating na sina jowsh. At dun natapos ang kwento ko. Kiver lang sa kwentuhan dahil pagoda tragedy na akey sa pagtatype noh!


 


 


 

 




Make a comment

Tumalak si sexbelle kaninang Thursday, June 30, 2005 01:49 pm

Laftir muna tayo!

Joke Time!!! Funny Ito I Swear!

 

Biglang umulan ng malakas habang naglalakad si Alfred kaya't nakisilong muna sya sa isang bahay. "Amang, mukhang gutom na gutom ho kayo, bakit di ho muna kayo kumain ng niluto kong kamote", sabi kay alfred ng tinuluyan. Ayun nga, lumamon sya ng lumamon. *burp* , tunog nya. "Ito at tumila na ang ulan, maraming salamat sa lahat." sabi ni Alfred.

Malapit na sya ng bahay ng kanyang matanaw ang kanyang misis. "Honey, bakit ngayon ka lang?, eh hindi na nga bale, halika at meron akong surprise sa 'yo". Nilagyan ni misis ng blinfold si Alfred. "Hwag na hwag kang sisilip kahit anong mangyari, kungdi ay lagot ka sa akin!" Pumasok na silang dalawa sa loob at sinarado na ang pinto ng biglang nag-ring ang telepono. "O Honey, wait lang muna ha, sagutin ko  tong phone, remember, hwag sisilip!"

Naiwan na si Alfred pero biglang sumakit ang kanyang tyan, siguro ito ay dahil sa paglamon nya ng kamote. tinaas nya ang kanyang paa at doon nilabas ang masamang hangin, prrtttt....kasing amoy ng bagok na itlog. Pinaypayan nya ito para hindi maamoy ng kangyang misis. bratat tat tat tat tat tat....nautot na naman sya, kaya sige paypay na naman. Sige lang at utot sya ng utot dahil di nya mapigilan. "Bye" rinig nya galing sa boses ng kanyang misis, so pinigilan na nya ang pag-uutot. "Hindi ka ba sumilip???" sambit ni misis. "hindi ah!, hinding hindi". "okay then, mabuti naman" (si misis uli). "Buksan mo na ang blindfold mo" binuksan na nya, at nandoon nakabulagta ang sampung bisitang nakaupo sa paligid nya. "SURPRISE!!!!" sabi ni misis.




Comment (1)

Tumalak si sexbelle kaninang Friday, June 24, 2005 07:58 am

Song of the Week!
 

We Belong Together

by Mariah Carey

Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com

album: The Emancipation of Mimi




I didn't mean it
When I said I didn't love you so
I should have held on tight
I never should've let you go
I did nothing
I was stupid
I was foolish
I was lying to myself
I could not fathom that I would ever
Be without your love
Never imagined I'd be
Sitting here beside myself


Cuz' I didn't know you
Cuz' I didn't know me
But I thought I knew everything
I never felt...
The feeling that I'm feeling now
Now that I don't hear your voice
Or even touch or even kiss your lips
Cause I don't have a choice
What I wouldn't give
To have you lying by my side


We belong together
When you left
I lost a part of me
It's still so hard to believe
Come back baby please come back
We belong together


Who else am I gonna lean on
When times get rough
Who's gonna talk to me
Till the sun comes up
Who's gonna take your place
Baby nobody better
We belong together


I can't sleep at night
When you're all on my mind
Bobby Womack's on the radio
Singing to me
'If you think you're lonely now'
Wait a minute
This is too deep, too deep
I gotta change the station
So I turn the dial
Trying to catch a break
And then I hear Babyface


I only think of you
And it's breaking my heart
I'm trying to keep it together
But I'm falling apart
I'm feeling all out of my element
I'm throwing things
Crying
Trying to figure out
Where the hell I went wrong
The pain reflected in this song
Ain't even half of what
I'm feeling inside
I need you
Need you back in my life baby


When you left
I lost a part of me
It's still so hard to believe
Come back baby please
We belong together


Who else am I gonna lean on
When times get rough
Who's gonna talk to me
Till the sun comes up
Who's gonna take your place
There ain't nobody else
We belong together







Image hosted by Photobucket.com

Image hosted by Photobucket.com

Image hosted by Photobucket.com



Make a comment

Tumalak si sexbelle kaninang Monday, June 20, 2005 04:50 am

10 Months and Going Strong!
 


Image hosted by Photobucket.com
Happy Monthsary Baby!!! Image hosted by Photobucket.com



Happy akembang dahil sa pagpatak ng 12 midnight at nagturn-turn na ang clock at naging June 19 na ay officially 10 months na kami ng baby ko! Witchelles kez inexpect na aabot kami ng ganito katagal and frez na frez pa rin ang feeling na parang the first time I fell enlababo with him! *Spark* Slightly malungkot nga lang kasi wit naman kame nagkita para magdate. Shogod kasi kame pareho from work at bet na bet na namin pareho bumorlogs pagkajuwi sa balaysung sa sobrang pagkahaggard sa workikay. Pero infernez nagjusap naman kame sa cellphone ng matagal. Miss na miss ko na talaga ang baby ko! 5 days ago pa kami nagkita to watch Mr. and Mrs. Smith at ang nakakashokot ever na Shutter. Haaay sarap talaga mainlab! Sana forever na itey! I cant' wait to be with him again! (Happy mode ÜÜÜ)


Now naman, ang ekzena ditey sa workikay ay alone ever akesh! (pairalin ang pagka-schizo, Sad mode) Bet ko atang bumirit ng "lonely is the night when I'm not with you"! Kyorket? Pano naman mag-isa lang anashei dahil ang firstbelle at ullah mae ay rest day at si shelleybelles naman ay leave-leave-an portion! Si Jowsh naman nasa 12th floor kaya wit akez makachikahan ditey sa 14th floor. Di ko naman keri makipagfriendita sa mga katabi ko para lang magkaron ng katalkathon noh. Witchelles akez bababa sa aking pedestal para maki-mingle sa mga pisante! Harsh! Taray ko i swear! Nakadagdag pa sa sadness key ay nung maread ko ang blog post ni Badinggerzie entitled Nasaan ang tunay na pag-ibig . Ang taray diba, parang title sa Lovingly yours Helen! Click nyo lang yung link kunt betty boop nyong i-read ang istorya. Kaso baka mga becky lang ang makarelate!


Haaayyy... sana matapos na agad tong shift na 'to! Miss ko na gumimik... tagal ko na hindi gumigimik. Si Bomps nagyayaya nga magkaraoke (Shala!) kaso naman sa Tuesday morning after shift! Ang haggard nun ha! Wiz pa borlogs and such eh biritan portion na agad! Mukhang kekerihin ko naman eh basta may caru to take me there at hindi ko bet na magcommute ever! Ilang days na lang fly na ang pasaway sa PSC at 1 week namin hindi masasight ang team mamasan namin kaya kailangan gumimik muna! Shuntangina kase ang hirap magleave! Puno na ang allocation for June. Kakadepress!


Wala na ako masulat. Gusto ko matulog na lang sa sleeping room. Kebs kung multuhin pa ako don nung Lady-in-white-pretending-to-be-an-alarm-clock na haggard kung manggising ng agents! Pero scary ang thought na yun ha! Katok katok! Ay, naremember ko nga pala, may dvd! dvd! pssst! dvd! na gawa ng mga brit ako na napanood sa balaysung na ever na napa-shout anashei sa shokot at naaliw at the same time. Isipin mo naman kasi, yung haggard-looking character dun na pinanganak ata to look scary at para tumegibums ng mga utaw ay may favorite past time which is sumigaw na parang girl na binubunutan ng nyulbul ang kipelya kahit julakis naman sya! Kala ba nya scary sya pag ginagawa nya yon?! Witchelles! Napapalaftir talaga akembang ng malakas! Other than that, katakot naman talaga. Starring dito ang starlet na si Franka Potente. So kung like nyo watch ang movie, janapin nyo na lang sa mga bangketa, ang title ay CREEP! Ü


Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com






Make a comment

Tumalak si sexbelle kaninang Sunday, June 19, 2005 09:29 pm

Ang Paglilipat at ang Martial Law



Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com Tenchu for kowling! Ang namesung kesh ay Gloria!Image hosted by Photobucket.com



Hay nako enimonument eh iisquierda na ang pasaway team sa bagong buildingbums ng PeopleSupport. Excited ba anashei? Isang malaking WITCHELLES!!! Kakahaggard ang paglipat sa bagong PSC. Unang una, malalayo na ako sa Chos your chos! So pano ko pa masisilayan araw-araw gabi-gabi si Aaron?! Sino si Aaron? Siya lang naman ang gwaping na maputi, maliit ang balakang, ganda ng katawan at hataw sa pakikipagflirtingan portion saken na otokong nagwoworkikay don. Kanina pa naman pinagluto nya ako ng masarap na itlog nya! Hahaha! Yung mamasa-masa pa at according to him ay "naglalaway" pa! Nakakahot diba?! Kabog si Jennilyn Mercado at Mark Herras na mistulang naging mga musmos sa lampungan portion nila sa latest movie nila! Wait lang, nag-iinit ako! (daydream si Aaron... then byutipool eyes) Haaayyy...


Eniweyz, mamimiss ko din ang Mini Staff. Lalo na ang signature smell nila na talaga namang kakapit sa damit mo pag tumambay ka don. Pati ang chicken nila na parang chickenjoy ng jollibee sa sarap especially pag bagong luto, ang kanilang pretzel dog na unang tingin mo ay kahalayan ang unang papasok sa utak mo, ang C2 na pagkatsalap-tsalap nomoin, ang superpao asado nila na kahit makatatlo ata ako ay hindi ako magsasawa at most of all ang blue tables na makalat with matching chair na bungi-bungi na nagsilbing tambayan ng pasaway babes tuwing lench at endshit.


Mamimiss ko din ang mga manong guard ng Philamlife na lahat ata ay mga friendita ni Jowsh! Pero may isang guard in particular na I'm sure eh mamimiss nya ako! Di ko noseline ang namesung nya so babansagan ko syang si Manong Bukol! Ahihihi! (blush) Felt paper ko na ever kraz ako non eh! Napapakanta ako ng "Bakit ba, may lagkit sayong mga mata" tuwing sinasight ako non tuwing suba-subaan portion namin ng mga pasaway sa valero. Ang line of vision ko naman ay bumababa sa parte ng pants nya dahil as I've mentioned sa previous post ko, ay para kang nakakita ng chocolate hills sa Makati dahil sa nakakahaggard na bukol! Haay... sana malipat din sya as guard sa PSC. Minsan ko na nga lang sya masightsiva lately eh. Morning na ata ang shift ng Manong Bukol ko!


Isa pang parte ng buhay Philam call center agent na mamimiss ko ay ang ever reliable jolly jeep. Yummy ang hotdog at maling nila! Pano iisa lang ang lasa --- lasang isda! Hahaha! Isa lang kasi pinaglutuan nilang mantika ever! Pero infurnez mura talaga kaya kung purita de tansol at pisante ka na, imbes na lumapz sa mini stop, sa jolly jeep na lang.


Napag-isip isip ko, what's there to be excited about sa paglipat sa PSC? Hindi magkafloor ang expedia at nsi dahil sa 5th floor kami, sa 3rd floor naman sila! May chika ever pa na ang access card na ipoprovide sa agents can solely be used sa designated floor mo! Haggard! So hindi na kami masusundo ni Jowsh kapat bruk at lench na. Kainez! Mauuna pa kami lilipat don ng 1 week kaya 1 week din namin mamimiss ang team mamasan namin! Kebs ko kung 24 hours ang lapz establishments don! Pinakanakakaburaot pa don ay sobrang magiging martial law na daw sa amin. Bawal na ang matulog sa floor, bawal na ang lumafang at higit sa lahat bawal na magsurf ng sites! So pano na kami makakapagblog nyan?! *PooT!*


Speaking of martial law, inispluk samen ni Liz nung lench bruk na may balak daw magdeclare ng Martial Law ang unanong nunal na tinubuan ng katawan na presidente natin! Haller! at isa pang malaking HALLER?! Pano na ang call center industry! Hindi naman ata tamang esquierda kami ng balaysung ng maaga para lang makarating sa owfis ng hindi inaabutan ng curfew! At pano na ang mga nageendshift ng oras ng curfew? Estupidang solusyon yan sa mga problema ng bayan! Wait lang... puno na ata ng poot ang last paragraph na ito... (halughog, search here, search there, search everwhere... nahanap ang hinahanap... smile... may dalang muk-up kit!) Imemake-over ko na lang si GMA ! Yan ang solusyon ko! Tama na ang poot, tama na ang pagpilit na pagsearchlaloo ng solusyon sa mga problemang witchelles naman masolusyonan! Kulutin ko na lang si Gloria! ÜÜÜ



Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com





Make a comment

Tumalak si sexbelle kaninang Saturday, June 18, 2005 02:06 am